Mga Tuntunin sa Paggamit
Huling binago: Nobyembre 20, 2024
Malugod na ipinapahayag ng mga tagapagtaguyod ang mga sumusunod na tuntunin at kondisyon kaugnay ng proyektong "ABKDa: AI-Powered Filipino Grammar Checker." Sa pagsali sa pananaliksik na ito, sumasang-ayon ang bawat kalahok sa mga tuntunin at kondisyong nakasaad dito
Talaan ng mga Nilalaman
1. Layunin ng Pananaliksik
2. Pagkilala sa Partisipasyon
3. Proteksyon ng Datos
4. Gamit ng Sistema at Limitasyon
5. Limitasyon ng Responsibilidad
6. Pagtanggap sa Mga Tuntunin
1. Layunin ng Pananaliksik
Nilalayon ng proyektong ito na tulungan ang mga Pilipino sa pagpapabuti ng kanilang kasanayan sa pagbasa at pagsulat sa sariling wika. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng pagkakataon na mapaunlad ang mga kakayahang pangwika na mahalaga sa pagsuporta sa kanilang edukasyon at akademikong pagganap. Sa pamamagitan ng pagsusulong ng wikang Filipino, layunin ng proyekto na palakasin ang tamang paggamit ng gramatika, pangalagaan ang yamang pangwika, at itaguyod ang mabisang komunikasyon
2. Pagkilala sa Partisipasyon
Ang pagsali ng mga kalahok sa proyektong ito ay isang boluntaryong hakbang, na nangangahulugang walang sino mang napipilitang lumahok. Ang mga impormasyong makakalap mula sa mga kalahok ay lilimitahan sa konteksto ng pananaliksik at gagamitin lamang upang mapabuti at maisakatuparan ang mga layunin ng proyekto. Ang mga kalahok ay mabibigyan ng katiyakan na ang kanilang mga ibabahaging impormasyon ay gagamitin nang may respeto at pagsasaalang-alang sa kanilang mga karapatan, habang ang proyektong ito ay patuloy na umuunlad tungo sa pagbibigay ng kontribusyon sa pagpapabuti ng pagsusulat sa wikang Filipino.
3. Proteksyon ng Datos
Ang lahat ng impormasyong ibabahagi ng mga kalahok ay ituturing na kumpidensyal. Hindi ibabahagi sa mga ikatlong partido ang anumang personal na impormasyon ng mga kalahok nang walang pahintulot. Anumang impormasyong makalap ay gagamitin lamang para sa pagsusuri at pagpapabuti ng sistema ng proyektong ito.
4. Gamit ng Sistema at Limitasyon
Ang proyektong ito ay may pangunahing layunin na magbigay ng mapagkakatiwalaang pagsusuri sa grammar ng wikang Filipino. Gayunpaman, sa kabila ng masusing pagbuo at pagpapaunlad ng sistema, may posibilidad pa rin na maganap ang mga hindi inaasahang interpretasyon o pagkakamali sa pagsusuri, dulot ng mga limitasyon sa kasalukuyang kakayahan ng artipisyal na intelihensiya sa konteksto ng wikang Filipino.
5. Limitasyon ng Responsibilidad
Ang proyektong ito ay maaaring magkaroon ng mga limitasyon sa sistema. Ito ay nagbibigay lamang ng tulong at gabay sa pagsusuri ng grammar, at hindi nito ganap na pinapalitan ang tulong ng isang propesyonal sa pagsusulat. Dahil dito, ang anumang resulta mula sa paggamit ng sistemang ito ay ganap na responsibilidad ng gumagamit, at hindi mananagot ang mga mananaliksik sa mga maling pagsusuri o di-inaasahang bunga na maaaring maranasan ng mga gumagamit. Ang proyektong ito ay tumutulong lamang sa pagsusuri ng grammar, at ang mga gumagamit ay hinihikayat na beripikahin para sa anumang pagsusuri ng sistema.
6. Pagtanggap sa Mga Tuntunin
Sa pamamagitan ng paggamit at paglahok sa proyektong ito, kinikilala at sinasang-ayunan ng bawat kalahok ang mga tuntunin at kondisyong nakasaad dito. Ang patuloy na paggamit sa sistema ay nangangahulugang pagtanggap at pagsang-ayon sa mga tuntuning ito. May mga katanungan o paglilinaw, mangyaring makipag-ugnayan sa mga mananaliksik ng proyekto para sa karagdagang impormasyon.