ABKDa

ABKDa


About Image

Tungkol Sa Amin

Nilikha ang proyektong ito bilang tugon sa lumalalang problema ng mga Pilipinong nahihirapan sa pagbasa at pagsulat. Maraming post sa internet ang bumabatikos sa mga Pilipino dahil sa mababang antas ng kasanayan sa wika, na iniuugnay sa maling paggamit ng simpleng gramatika ng Filipino. Nagmumula ang suliraning ito sa kakulangan ng koneksyon ng mga Pilipino sa tamang gramatika ng Filipino. Mahalagang tugunan ang isyung ito upang mapabuti ang kasanayan sa wika at mapanatili ang wikang Filipino.

About Us

The project was created in response to the growing problem of Filipinos facing challenges with poor reading and writing comprehension. Many posts on the internet have criticized Filipinos for having very poor language skills, attributing this to incorrect or poor usage of simple Filipino grammar. This problem stems from the disconnect between Filipinos and their proper Filipino grammar. Addressing this issue is crucial as it can help improve language skills and preserve the Filipino language.

Mga Tagapagtaguyod

Lans

Lance Bernardino

Si G. Bernardino ay isa sa mga developer ng proyekto na responsable sa teknikal na implementasyon, user experience, at kabuuang UI ng web application, tinitiyak na ito ay maayos at naaayon sa layuning pangwika ng proyekto.

Miguel

Miguel Carlo Fajardo

Si G. Fajardo ay isa sa mga developer na nagpagana ng proyekto para sa pagproseso ng Filipino text at pag-detect ng mga maling grammar. Siya ang nagsagawa upang makagawa ng tool na maaaring suriin at ayusin sa tekstong nakasulat sa wikang Filipino.

Ash

Arianne Ashley Manaog

Si Bb. Manaog ang tagapamahala ng proyekto, na nangasiwa sa plano, koordinasyon, at paglalaan ng mga mapagkukunan upang matiyak na maayos ang pag-usad ng proyekto at makamit ang mga layunin sa itinakdang oras.

Julia

Julia Melle Pascua

Si Bb. Pascua ang system analyst na gumawa kasama ang mga developer upang suriin ang tamang paggamit ng gramatika. Sinuri niya na naaayon sa gagamit ang proyekto habang inaabot ang mga teknikal at linggwistikong layunin.

Sir Edwin

Inst. Edwin de Guzman, MSIT, MCP

Si G. De Guzman ay teknikal na tagapayo ng proyekto, nagbibigay gabay sa mga aspeto ng wika, tinitiyak ang tamang paggamit ng gramatika at algorithm, at sumusuporta sa pag-develop ng software para sa tagumpay ng proyekto.

Pagkilala

Ms. Mena Mx. Reyes

Sina Bb. Oliveros at G. Reyes ang tagatiyak kung tama ang mga kalalabasan at kung sumusunod sa pamantayan ng gramatikang Filipino. Sila rin ay nagbibigay ng puna sa disenyo at resulta upang matiyak ang bisa at praktikalidad.

Calamancy

Ang proyektong ito ay hindi maisasakatuparan kung wala ang paggamit ng calamanCy model na binuo ni LJ Miranda, na nagbigay ng mahahalagang kasangkapan para sa pagsusuri ng wikang Filipino sa pananaliksik.

Gemini AI

Malaking tulong ang Gemini AI API dahil ang teknolohiyang ito ay nagbigay-daan sa mas mahusay na pagproseso ng datos at mas malalim na pagsusuri na naging napakahalaga sa proyektong ito.