General Questions
Features and Functionality
Technical Questions
Ano ang ABKDa?
Ang ABKDa ay isang modernong tool na tumutulong sa tamang pagsulat sa Filipino. Gamit ang AI at natural language processing, sinusuri nito ang balarila, sintaks, at bokabularyo, at tinutukoy ang mga hamon tulad ng tamang gamit ng "Nang" at "Ng," "Din" at "Rin," pati na rin ang mga pananda tulad ng "Mga," upang gabayan ang mga gumagamit sa wastong paggamit ng wikang Filipino.
Ang grammar checker ba na ito ay partikular para sa Filipino, o sinusuportahan din nito ang ibang mga wika?
Ang ABKDa ay hindi magbibigay ng suporta para sa pagsusuri ng balarila sa ibang mga wika. Ito ay eksklusibong nakatuon lamang sa Standard Filipino at sa mga alituntunin ng balarila nito.
Libre bang gamitin ang ABKDa?
Ang ABKDa ay libre gamitin at hindi magkakaroon ng mga subscription plan, tulad ng magkahiwalay na bersyon para sa basic at premium na paggamit.
Iminumungkahi ba ng web app ang mga tamang sagot?
Ang ABKDa ay kayang magbigay ng mga suhestiyon para sa mga natukoy na pagkakamali. Magbibigay ito ng mga pagwawasto at pagpapabuti ng mga pangungusap at salita. Ito ay magpapabuti sa katumpakan ng proseso ng pagtukoy ng mga pagkakamali at magbibigay ng mga suhestiyong angkop sa konteksto.
Kaya bang suportahan ng ABKDa ang mga rehiyonal na diyalekto ng Filipino?
Ang ABKDa ay gagamitin lamang para sa pag-input ng teksto at hindi nito kayang suriin ang pasalitang Filipino o ang gramatika ng pananalita. Ito ay limitado lamang sa pagsusuri at pagtutuwid ng tekstong ipapasok ng gumagamit. Ang sistema ay hindi gagamitin upang itama ang mga tayutay.
Maaari ko bang gamitin ang web app para suriin ang mahahabang dokumento?
Ang ABKDa ay maaaring gamitin upang suriin ang mga teksto, ngunit limitado ito sa 2,000 karakter at sumusuporta lamang sa mga dokumentong may .txt na format.
Kailangan ko bang mag-install ng anumang bagay?
HINDI, ang ABKDa ay diretsong gamitin sa pamamagitan ng link na abkda.com
Gumagana ba ang ABKDa sa mga mobile devices?
OO, ang ABKDa ay isang mobile responsive web application kaya maaari itong gamitin sa inyong mga cellphones, tablets at iba pa.
Kailangan ba ng ABKDa ng koneksyon sa internet?
OO, kailangan ng koneksyon sa internet upang magamit ang ABKDa.