ABKDa

ABKDa


Patakaran sa Pagkapribado ng Datos para sa ABKDa: AI-Powered Filipino Grammar Checker

Huling binago: Nobyembre 20, 2024

Ang ABKDa: AI-Powered Filipino Grammar Checker ay naglalayong makapaglathala para sa pagwawasto ng gramatika ng Filipino gamit ang mga advanced na teknolohiya ng artipisyal na intehensiya (AI). Sa pamamagitan ng paggamit ng ABKDa, sumasang-ayon ang mga gumagamit sa mga kondisyon ng Patakaran sa Pagkapribado ng Data na ito. Ang patakarang ito ay naglalarawan kung paano kinokolekta, ginagamit, at pinoprotektahan ang personal na impormasyon ng mga gumagamit ng web app na ito.

Talaan ng mga Nilalaman

1. Kinokolektang Impormasyon

2. Pag-iingat ng Impormasyon

3. Pagbabahagi ng Impormasyon

4. Pagpapanatili ng Impormasyon

5. Pagbabago ng Patakaran sa Pagkapribado

1. Kinokolektang Impormasyon

Ang ABKDa ay kumokolekta ng mga sumusunod na uri ng impormasyon mula sa mga gumagamit katulad na lamang ng personal na Impormasyon. Ang pangalan at email address na kusang-loob na ibinibigay ng gumagamit sa pamamagitan ng pagrehistro bago tuluyang magamit ang ABKDa.

2. Pag-iingat ng Impormasyon

Ang ABKDa ay nagtataguyod ng mahigpit na mga hakbang upang matiyak na ang personal na impormasyon ng mga gumagamit ay protektado laban sa hindi awtorisadong pag-access, pagbabago, o pagkawala. Kabilang dito ang paggamit ng mga modernong teknolohiya ng seguridad, tulad ng encryption, at ang regular na pagsusuri ng mga sistema ng seguridad upang matiyak ang proteksyon ng data.

3. Pagbabahagi ng Impormasyon

Makasisigurado na hindi ibabahagi ang mga personal na impormasyon sa mga third-party na walang pahintulot, maliban na lamang kung kinakailangan ng batas o kung kinakailangan upang protektahan ang mga karapatan at seguridad ng ABKDa o ng mga gumagamit nito.

4. Pagpapanatili ng Impormasyon

Ang iyong personal na impormasyon ay itinatago lamang hangga't kinakailangan para sa mga layunin ng app o ayon sa mga regulasyon sa batas. Kung hindi na kinakailangan ang iyong impormasyon, ito ay ligtas na aalisin mula sa ABKDa.

5. Pagbabago ng Patakaran sa Pagkapribado

Ang ABKDa ay may karapatang baguhin o i-update ang Patakaran sa Pagkapribado na ito anumang oras. Anumang pagbabago ay ipapahayag sa web app at magkakaroon ng petsa kung kailan ito magiging epektibo. Inirerekomenda naming regular mong suriin ang patakarang ito upang manatiling updated sa kung paano namin pinoprotektahan ang iyong data.